Hi DA. Akala ko hindi na tayo friends! X3 Antagal ko na rin kase hindi ginagalaw yung account na ito eh. Nawawala na ako DA. Hindi ko na alam direksyon ko sa buhay. hehe. Sana talaga emo lang ako ngayon tas bukas ok uli o kaya ok uli nex week o nex month o nex six months o nex year. Ewan koooooooo hindi ko lam kung saan ako patungo DA.
Minsan nangtitrip lang ako at nangungutya ng mga otaku. Yung tipong hardcore japan-level-hikkikomori-type na otaku na takot lagi sa mga 3D at 2D lang talaga yung mahal.
It turns out na parang nagiging ganun na rin ako. Ahahaha. Mukhang mas ok nga talaga 2D kesa sa 3D. Nakakatawa nga lang din siguro kase sa dami ng napagdaanan ko na maski hindi naman talaga ganun ka-extreme di tulad ng nararanasan ng ibang tao e nagagawa ko pa rin pagsukuan yung mga simpleng bagay na ito.
Nadala ba ako sa convinience na naipapamahagi ng 2D over 3D? Di kaya dahil walang pain? E diba sabi nila "no pain no gain"? E pano kung ikaw yung type na mejo sabog na talaga? Yung parang, (di ko madescribe eh) alam mo ginawa mo yung kaya mo para kahit anong mangyare e wala kang choice kundi tanggapin yung mga katotohanan sa buhay kahit alam mong masasaktan ka. Yung nagprepare ka talaga kahit alam mo na kahit noon pa man alam mo na rin yung magiging resulta? Pero sa oras na maganap magiging balat sibuyas kang tao tas iisipin mong gunaw na ang mundo mo. Ka-emohan ko over the top. Kelangan ko lang talaga ng outlet. E since wala naman talagang pakealam mga tao sa page ko na ito dito ko na lang sinulat. hihihi. Pwede naman sa diary (na wala naman ako) o sa personal blog (na nakalimutan ko na yung password) o kaya naman kimkimin ko na lang (na mejo hindi ko na rin kaya at kelangan ko ng ilabas) pede ring ikwento ko na lang sa mga kaibigan ko (na gasgas na talaga sobra yung tipong gusto na nila siguro ako sagasaan ng tanke o ipadeploy sa mars para tumigil na ako sa kaka-emo ko at kakaulit ng sinasabi). Kaya eto, minalas ung DA kase eto lang talaga yung naaalala kong password.
Speaking of 2D, bakit anggaling ng mga Hapon mambola ng tao? Alam naman nating papel lang yun na dinrowing na kahit paano e kaya ko ring gawin kung tutuusin. Tas magha-hire sila ng seiyuu (voice actress) para bigyang buhay yung papel na yun. Tas ayan, solb na. Di ka lang makakarelate sa storya, maiiyak ka pa paminsan. lol.
Naiisip ko paminsan na limang taon o sampung taon mula ngayon e hikkikomori (NEET; freeloader) na ang ending ko. Kung gugustuhin ko o kung malakas ang will ko, kaya ko itong maiwasan. Kaya kong maging hardcore sa bagay na gusto kong gawin talaga para sa buhay ko (kung hindi pa rin obyus e yun yung pagdodrowing ng kung anu-anong bagay para maging masaya lahat ng tao sa world wide world intergalactic universe of all multiverses). Pero kase andaling sabihin neto eh: "Para san pa? Wala rin namang pupuntahan." Tas nun maririnig mo na lang din sa kaloob-looban ng iyong isipan na "Ambobo mo pare, wala namang madaling bagay sa mundo. Kung ganun ang takbo ng mundo, lahat tayo dalubhasa at mahusay sa sobrang husay natin hindi mo na kailangang mag-isip kusa na lang lalabas yung gusto mong maganap at ang lahat ng tao sa mundo e puro masasaya na wala ng kaproble-problema." Walang problema. Yun siguro yung problema. Kase, wala naman talaga ako dapat problemahin paminsan, pinoproblema ko pa rin. Kaya kong mabuhay ng hindi pinapatay yung brain cells ko sa mga bagay na hindi naman dapat problemahin. Andaming problema ng mundo tas yung pinoproblema ko pipichugin lang. Namroblema ka pa. Ang tawag dun nagsayang ka lang ng oras kaiisip ng bagay na hindi naman dapat prinoproblema.
Naubusan na ako ng metaphoric laway sa kakadada.
Hopefully it's just another day. For now 2D muna. Too much hurt from 3D.
Can't blame anyone. T'was my own downfall. Pick up your dogtags and tuck 'em in your shirt. Rollin' rollin' rollin'.
Putangina desu.